^

PSN Palaro

Pinoy Spikers ratsada agad sa beach volley

Pilipino Star Ngayon
Pinoy Spikers ratsada agad sa beach volley
Pa-dive na hinabol ni Sisi Rondina ng PH ang bola laban kina Dhita Juliana at Putu Utami ng Indonesia.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Mainit ang simula ng Pinoy spikers nang pataubin nito ang dalawang pares ng Timor Leste sa paglarga ng 30th Southeast Asian Games beach volleyball competitions kahapon sa Subic Tennis Courts.

Bumanat agad sina James Buytrago at Jaron Requinton ng Philippines-1 matapos kubrahin ang 21-13, 21-16 pananaig kina Robson Xavier at Christian Jean ng Timor Leste-1.

“First set pa lang tini­tingnan na namin ang weaknesses nila, saka yung mga kakayahan nila at nag-usap kami ng partner ko about sa adjustment. Unang set ramdam na namin at sa galaw pa lang alam na namin,” ani Buytrago.

Hindi rin nagpahuli sina Philippines-2 duo Jude Garcia at Edmar Bonono na matikas na pinatumba sina Silvano Aduauo at Denyanos Belo ng Timor Leste-2 sa pamamagitan ng 21-7, 21-16  demolisyon.

Kumuha ng lakas ang Pinoy spikers sa mainit na suportang ibinigay ng mga Pilipinong nanood sa venue.

“Maraming mga nanood na kababayan na kahit na taga malayo sila nagdala pa ng flag nakakaboost ng confidence,” ani Buytrago na Bachelor of Physical Education student sa National University.

Sa women’s division, hindi pinalad sina Philippine Superliga champions Sisi Rondina at Bernadeth Pons matapos lasapin ang gitgitang 18-21, 21-16, 13-15 kabiguan kina Asian Games bronze medalist Dhita Juliana at Putu Utami ng Indonesia.

Bigo rin sina Dzi Gervacio at Dji Rodriguez na yumuko kina Indonesians Desi Ratmasari at Allysah Mutakharah, 14-21, 16-21.

Sa ice skating competition, pumuwesto sa unahan ng ranking si Alisson Krystle Perticheto sa short program ng women’s figure ska­ting competition kahapon sa SM Megamall Skating Rink.

Nagtala ang 2017 SEA Games bronze medallist na si Perticheto na nagtala ng 53.65 puntos.

Pumangalawa lamang si Chloe Ing ng Singapore na may 50.67 puntos kabuntot si Savika Refa Zahira ng Indonesia sa ikatlo tangan ang 32.62 puntos.

Nasa ikaapat si Thita Lamsam ng Thailand (27.30) kasunod sina Tasya Putri ng Indonesia (26.34), Teekhree Silpa-Archa ng Thailand (26.18), Aiba Sorfina Mohd Aminudin ng Malaysia (25.66) at isa pang Malaysian na si Sze Chi Chyew (22.78).

Pumangsiyam si Pinay skater Cirinia Gillett na nagtala ng 20.93 sa kanyang debut sa SEA Games.

Sa men’s class, maganda rin ang puwesto ng Pinoy bets na sina Christopher Caluza na may hawak na 62.37 puntos para sa ikalawa at Edrian Paul Celestino na may nakuhang 61.52 sapat sa ikatlo.

Nangunguna si Julian Zhi Jie Yee ng Malaysia na nagrehistro ng 63.35 puntos.

Gaganapin naman ang free skate program bukas (Linggo) sa parehong venue.

PINOY SPIKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with