^

PSN Palaro

Nationals hahataw sa netball at floorball

Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Bubuksan ngayon ng Team Philippines ang me­dal campaign sa netball at floorball competitions ng 30th Southeast Asian Games.

Lalabanan ng Nationals ang Indonesia sa men’s at women’s floorball sa ga­nap na ala-1 ng hapon at alas-7 ng gabi, ayon sa pagkakasunod, sa UP College of Human Kinetics sa Quezon City.

Haharapin naman ng Philippine squad ang mga Singa­poreans sa netball sa alas-3 ng hapon sa Sta. Rosa Multi-Sports Complex sa Sta. Rosa, Laguna.

Magtatagpo ang Ma­lay­­sia at Thailand sa isa pang floorball match, isang indoor team sport na itinampok bilang demo event noong 2013 edis­yon ng SEA Games na idinaos sa Myanmar.

Ito ay naging official sport noong 2017 SEA Games sa Singapore.

Ang floorball ay isang klase ng floor hockey na may limang players at isang goalkeeper sa bawat koponan.

Para manalo ay kaila­ngang umiskor ng mas ma­raming goals ang isang tropa ayon sa patakaran.

Kukumpleto sa five-country cast sa floorball ang Singapore, ang nagwagi sa men’s at women’s division noong 2017 SEA Games.

Halos kagaya ng bas­ket­ball, ang bawat koponan sa netball ay binubuo ng pitong pla­yers at kailangang umiskor ng mas maraming goals sa loob ng apat na 15-minute quarters.

Ngunit hindi katulad sa bas­ketball, ang netball rings ay walang backboard.

Ang bawat player ay pi­napayagan lamang huma­wak ng bola sa loob ng tat­­long segundo bago ito ipa­­sa o itira.

FLOORBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with