Fajardo babandera sa Gilas sa 2019 SEA games
MANILA, Philippines — Kumpleto na ang final 12-man lineup ng Gilas Pilipinas para sa 30th Southeast Asian Games.
Sina five-time PBA MVP Jun Mar Fajardo ng San Miguel, LA Tenorio, Stanley Pringle at Japeth Aguilar ng Ginebra ang nangunguna sa listahan.
Nasa listahan din sina Chris Ross at Marcio Lassiter ng San Miguel, Roger Pogoy at Troy Rosario ng TNT Katropa, Christian Standhardinger ng NorthPort, Vic Manuel ng Alaska, Matthew Wright ng Phoenix at Kiefer Ravena ng NLEX.
Ang pang-limang SEA Games gold medal ang maaaring makamit ni Ravena sakaling muling maghari ang Gilas Pilipinas.
Hindi isinama ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone si Greg Slaughter dahil sa thumb injury ng Ginebra giant.
Wala rin sina Scottie Thompson at Art dela Cruz ng Ginebra na naunang isinama sa 15-man training pool.
Nakatakda ang basketball event ng 2019 SEA Games sa Disyembre 4-10 sa MOA Arena sa Pasay City.
Hangad ng Pilipinas ang ika-12 sunod na pagkopo sa gold medal at pang-18 sa kabuuan.
Unang makakasagupa ng Nationals sa torneo ang Singapore.
Si Ginebra team governor Alfrancis Chua ang magsisilbing team adviser ng Gilas Pilipinas.
“The SBP thanks all of the players who made themselves available to be part of our Gilas Pilipinas Men pool,” pahayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio.
“The coaching staff led by coach Tim Cone are doing a great job in preparing the team for the upcoming SEA Games and they had the unenviable task of trimming the lineup down to just 12 individuals. Although the decision was surely not easy, the SBP have complete trust in the team and we’re excited to defend our crown as the best basketball team in the region. We hope that the Filipino basketball fans are as excited as us and that they’ll be there at the games in support of the team,” dagdag pa nito.
- Latest