^

PSN Palaro

Calago abante rin sa quarterfinals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matikas na iwinagayway ni Charlie Calago ang bandila ng Pilipinas nang kubrahin nito ang referee-stopped-contest win para makasiguro ng tiket sa quarterfinals sa 2019 ASBC Asian Youth Boxing Championships sa Ulaanbaatar, Mongolia.

Agad na rumatsada si Calago nang ilatag nito ang malalakas na suntok na hindi nasabayan ni Sri Lankan fighter Tohnej Rashmika ng   para ihinto na ng Uzbekistan referee ang laban sa men’s ban­tamweight (52-56 kg.).

Magtatangkang humirit ng silya sa semis si Calago sa pagsagupa nito kay Pricha Malunap ng Thailand na nagtala naman ng 4-1 split decision win (30-27, 29-28, 29-28, 29-28, 28-29) kay Seong Hun Goh ng South Korea.

Subalit bahagyang natabunan ng lungkot ang panalo ni Calago matapos mamaalam sa kontensiyon ang apat na Pinoy boxers sa kani-kanilang kategorya.

ASIAN YOUTH BOXING CHAMPIONSHIPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with