^

PSN Palaro

Chicano tiwalang masisikwat ang gold

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Kumpiyansa si John Leerams “Rambo” Chicano na sapat na ang kanyang paghahanda para angkinin ang gintong medalya sa men’s triathlon event ng darating na 30th Southeast Asian Games.

Kinuha ni Chicano ang silver medal sa katatapos na 2019 Black Arrow Express 5150 triathlon kamakalawa sa Subic.

Nagsumite si Chicano ng bilis na dalawang oras, limang minuto at 23 segundo sa Olympic-distance na 1.5K swim, 40K bike at 10K run para sumegunda kay Fernando Jose Casares (2:04.35).

“Okay naman po ‘yung naging race natin. Magandang gauge, magandang test event ito para sa akin kasi malakas ‘yung field,” ani Chicano, nakasabay din sa karera ang mga pro triathletes na sina Jakub Langhammaer ng Czech Republic at Sam Betten ng Australia.

Ito na ang huling karera ni Chicano bago ang SEAG Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Pinagwagian niya ang unang triathlon event sa New Clark City noong nakaraang linggo.

“Mga 80 percent na ngayon. Konting adjust nalang siguro, lalo na sa bike, okay na tayo,” dagdag ni Chicano na nagkasya lang din sa silver medal sa men’s triathlon ng 2017 SEAG na ginanap sa Malaysia.

JOHN LEERAMS CHICANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with