^

PSN Palaro

Petrogazz vs Creamline sa PVL finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling inilampaso ng PetroGazz ang BanKo Perlas nang itarak nito ang 28-26, 25-17, 25-17 panalo sa Game 2 upang umusad sa finals ng Premier Volleyball League Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Pinangunahan nina dating NCAA MVP Jovielyn Prado at dating De La Salle University ace spiker Paneng Mercado ang balanseng atake ng Gazz Angels para masikwat ang unang silya sa finals.

“Dalawang beses po kami nag-viewing pinag-aralan namin kung ano yung kulang namin at kailangang gawin namin para sa game na ito. Binigay lang talaga namin yung best namin, yun lang ang kailangan namin para maipanalo yung game,” ani Prado na nakalikom ng 13 puntos mula sa 11 attacks, isang block at isang ace.

Nakatuwang nina Prado at Mercado sina wing spiker Jonah Sabete at middle blockers Cherry Rose Nunag at Jeannette Panaga habang nagtulong sina playmaker Chie Saet at libero Cienne Cruz sa pagbuo ng solidong plays sa kanilang attackers.

Winalis ng Gazz Angels ang serye, 2-0 sa best-of-three semis series.

Ito ang ikalawang sunod na finals appearance ng PetroGazz matapos pag­reynahan ang Reinforced Conference noong Hulyo.

Agad namang sumunod sa finals ang nagdedepensang Creamline nang patalsikin nito ang Motolite sa pamamagitan ng 25-18, 25-15, 25-8 desisyon.

Gaya ng Gazz Angels, tinapos din ng Cool Sma­shers ang sariling semis series tangan ang 2-0 rekord.

Ito ang ika-18 sunod na panalo ng Creamline - dalawang panalo na lang para matagumpay na maipagtanggol ang titulo at makumpleto ang sweep sa kumperensiya.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE OPEN CONFERENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with