^

PSN Palaro

Dyip tinakasan ang elite

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Dyip tinakasan ang elite
Tinaasan na lang ng kamay ni import Khapri Alston ng Dyip si Carl Bryant Cruz ng Elite.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Ilang beses nagpilit makalapit ang Blackwater at ilang ulit din silang iniwanan ng Columbian.

Bumangon ang Dyip mula sa naunang kabiguan para talunin ang Elite, 102-90 sa 2019 PBA Go­vernor’s Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Ito ang ikatlong panalo ng Columbian sa limang laro habang nabigo naman ang Blackwater na mailista ang back-to-back wins sa kanilang pangatlong pagkatalo sa apat na laban.

“It feels really good and I hope we can sustain it and make a run to the playoffs,” ani Fil-Am guard Rashwan McCarthy na nagtala ng 25 points, kasama rito ang 7-of-13 shooting sa three-point line, bukod pa ang 5 rebounds at 3 assists.

Nagdagdag sina No. 1 overall pick CJ Perez at import Khapri Alston ng tig-24 points kasunod ang 12 markers ni Reden Celda.

Kaagad kinuha ng Dyip ang 28-18 abante sa pagtatapos ng first period hanggang ikasa ang 15-point lead, 33-18 mula sa triple at jumper ni Celda sa pagsisimula ng second quarter.

Sa likod nina No. 2 overall pick Bobby Ray Parks Jr. at import Aaron Fuller, pinalitan si Marqus Blakely, ay nakalapit ang Elite sa 59-62 sa 6:01 minuto ng third canto.

Muli namang nakalayo ang Columbian sa 100-85 buhat sa pang-pito at hu­ling tres ni McCarthy sa nalalabing 1:17 minuto ng fourth period.

Pinamunuan ni Fuller ang Blackwater mula sa kanyang 26 points habang may 21 markers si Parks.

Samantala, itataya ng TNT Katropa ang imakulada nilang 5-0 record sa pagsagupa sa Meralco (3-1) ngayong alas-6:45 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon ay magtutuos naman ang Phoenix (2-4) at ang bumubulusok na NorthPort (1-4).

vuukle comment

DYIP

ELITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with