NCAA player of the Week si Marcelino
MANILA, Philippines — Nagkaroon ng flu virus si Jaycee Marcelino, ngunit hindi niya maiwanan ang Lyceum Pirates kaya naglaro pa rin ito patungo sa 97-90 panalo kontra sa Letran Knights noong Biyernes upang manatili sa ikalawang puwesto sa 10-3 sa Season 95 NCAA men’s basketball tournament.
Kahit hindi nakapag-ensayo ang 23-anyos na si Marcelino ng halos limang araw ay pinangunahan pa rin ng Olongapo-native ang tropa ni coach Topex Robinson kontra sa Letran.
“It’s about living in the moment, no excuses. Like itong si Jaycee, he only returned yesterday after sitting out five days of practice. He played his heart out and that’s a testament to the dedication of this kid to this team,” ani Robinson.
Umiskor si Marcelino ng 25 points kabilang ang limang triples para ilapit ang Lyceum sa Final Four sa ikatlong sunod na season.
Dahil sa kanyang ipinakitang katatagan ay napili ang Lyceum star bilang Chooks-to-Go Collegiate Press Corps NCAA Player of the Week.
- Latest