^

PSN Palaro

F2 Logistics, Petron magkakasubukan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
F2 Logistics, Petron magkakasubukan
Nakatakda ang engkuwentro ng Cargo Movers at Blaze Spikers sa alas-4 matapos ang salpukan ng Sta. Lucia at PLDT sa alas-2. Lalarga rin ang paluan ng Cignal at Foton sa alas-6 ng gabi.
File

MANILA, Philippines — Asahan ang matin­ding bakbakan sa paglarga ng inaabangang duwelo ng F2 Logistics at Petron ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2019 Philippine Superliga Invitational Conference sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang engkuwentro ng Cargo Movers at Blaze Spikers sa alas-4 matapos ang salpukan ng Sta. Lucia at PLDT sa alas-2. Lalarga rin ang paluan ng Cignal at Foton sa alas-6 ng gabi.

Idaraos naman ang opening ceremonies sa alas-12 ng tanghali.

Galing ang F2 Logistics sa matagumpay na pagkopo sa All-Filipino Confe­rence crown sa pangu­nguna ni Filipino-American spiker Kalei Mau na siyang itinanghal na MVP sa natu­rang kumperensiya.

Maliban kay Mau, kukuha rin ng lakas ang Cargo Movers kina Aby Maraño, Dawn Macandili, Kim Fajardo, Ara Galang, Kianna Dy at Majoy Baron na ginawaran ng Best Middle Blocker award sa first leg ng ASEAN Grand Prix sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Sa kabilang banda, nais ng Petron na makaresbak sa kumperensiyang ito matapos mahulog sa third place sa All-Filipino Confe­rence.

 Hindi maglalaro si Mika Reyes na nagpapagaling sa injury.

PHILIPPINE SUPERLIGA INVITATIONAL CONFERENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with