^

PSN Palaro

Garcia, Potts hinugot ng Phoenix

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Garcia, Potts hinugot ng Phoenix
Davon Potts
PBA Media Bureau

MANILA, Philippines — Dahil sa injury ni playmaker LA Revilla at pagkawala ni Calvin Abueva ay dalawang guards ang hinugot ng Phoenix mula sa free agency market.

Tinapik ng Fuel Masters sina RR Garcia at Davon Potts tatlong araw bago ang pagbubukas ng 2019 PBA Governor’s Cup na magtatampok sa mga imports na may height limit na 6-foot-5.

Si Revilla ay may ankle injury habang si Abueva ay napatawan naman ng PBA ng indefinite suspension simula noong 2019 PBA Commissioner’s Cup.

“They were primarily acquired to fill in the spots of our depleted lineup,” sabi ni Phoenix team manager Paolo Bugia. “With Abueva still suspended and Revilla still recovering from an ankle injury.”

Kung masisiyahan si head coach Louie Alas sa ipapakita nina Garcia at Potts ay bibigyan sila ng Fuel Masters ng contract extension.

Huling naglaro si Garcia, naging kamador ng Far Eastern University Tamaraws sa UAAP kasama si Terrence Romeo ng San Miguel, para sa TNT Ka-tropa bago inilagay sa free agent list.

Sinubukan niyang ma­ka­pasok sa Rain or Shine, ngunit hindi siya nakapasok sa official team roster.

Binitawan naman ng Alaska si Potts makaraang mapaso ang kanyang two-year deal sa nakaraang 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Si Potts, dating San Beda Red Lions scorer, ang second round pick ng Aces noong 2017 PBA Draft.

Unang makakatapat ng Phoenix sa season-ending conference ang NLEX sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

DAVON POTTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with