^

PSN Palaro

Yulo, Dula humataw ng ginto sa BP National Finals

Russell Cadayona - Associated Press
Yulo, Dula humataw ng ginto sa BP National Finals
Apat na ginto ang kinolekta ni Marc Bryan Dula sa swimming event habang ipinakikita naman ni Karl Jahrel Eldrew Yulo ang kanyang limang ginto na tinibag sa gymnastics event ng Batang Pinoy National Finals na idinadaos sa Puerto Princesa City.
PSC Image

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan – Muli na namang ginawang playground ni Karl Jahrel Eldrew Yulo ang gymnastics floor matapos magbulsa ng limang gintong medalya sa Philippine Sports Commission-Batang Pinoy National Championships kahapon dito sa City Coliseum.

Nilangoy naman nina Aubrey Tom ng Cainta, Rizal, Mark Bryan Dula ng Parañaque City at John Alexander Talosig ng Cotabato Province ang kani-kanilang ika-apat na gold medals sa swimming event sa Ramon V. Mitra Sports Complex.

Kinolekta ng 11-anyos na si Yulo, isang Grade 6 student ng Aurora Quezon Elementary School sa San Andres, Manila ang mga gold medals sa vault, mushroom, parallel bar, individual all-around at floor exercise sa Cluster 2 ng gymnastics competition.

“Siyempre po masayang-masaya ako na naka-limang gold medals ako kahit talaga pong maraming magagaling sa cluster ko,” wika ng kapatid ni World Cup gold medalist Caloy Yulo na kumuha ng limang ginto sa nakaraang 2019 Palarong Pambansa sa Davao City.

Sa Cluster 1 ay apat na gintong medalya naman ang inangkin ni Hilarion Palles III ng Pasig City sa individual all-around, mushroom, parallel bar at team event.

Kapwa naman nila-ngoy ng 12-anyos na sina Dula at Tom at 13-anyos na si Talosig ang kani-kanilang ikaapat na gintong medalya sa swimming pool.

Inangkin ni Dula ang mga gold medals boys’ 12-under 50m butterfly (29.28) at 200m backstroke (2:31.02) para idagdag sa nauna niyang mga panalo sa 50m backstroke (31.10) at 100m butterfly (1:04.55) noong Lunes.

Matapos dominahin ang girls’ 12-under 100m freestyle (1:03.57), 200m Individual Medley (2:32.30) at 50m backstroke (33.55) kamakalawa ay bumandera si Tom sa 50m butterfly (31.41).

Inangkin naman ni Talosig ang ikaapat niyang ginto nang maghari sa boys’ 13-15 200m freestyle (2:03.02) at 400m Individual Medley (4:58.78) matapos manguna sa 200m IM (2:18.81) at 1,500m freestyle (17:27.85).

KARL JAHREL ELDREW YULO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with