Kaya kong patumbahin si Pacquiao - Porter
MANILA, Philippines — Nag-angas na agad si World Boxing Council (WBC) welterweight champion Shawn Porter na nagpahayag na kaya nitong pabagsakin si eight-division world champion Manny Pacquiao sakaling matuloy ang kanilang paghaharap.
Ipinagmalaki ni Porter na alam nito kung paano mapapatumba ang World Boxing Association (WBA) super welterweight titlist na si Pacquiao.
Gagamitin nito ang parehong armas na inilatag ni Mexican fighter Juan Manuel Marquez laban kay Pacquiao sa kanilang huling paghaharap noong Disyembre 8, 2012 sa Las Vegas, Nevada.
Matatandaang naire-histro ni Marquez ang sixth-round knockout win kay Pacquiao – ang pinakamasaklap na kabiguang tinamo ng Pinoy champion sa kanyang boxing career.
“You know, I just think I know what it takes to beat Manny. I think we saw a small glimpse to that when JuanMa (Marquez) knocked him out. I think I kind of have that recipe already, so I think I know what to do,” wika ni Porter sa panayam ng EsNews.
Isa si Porter sa mga kandidatong makalaban ni Pacquiao sa kanyang susunod na pagtungtong sa ring.
Ngunit nakatakda muna nitong harapin si International Boxing Federation (IBF) champion Errol Spence sa Setyembre 28 sa Staples Center sa Los Angeles, California.
- Latest