Tiket sa Tokyo Olympics puntirya rin ni Gabuco
MANILA, Philippines — Maliban sa target na pang-limang gold medal sa darating na 30th Southeast Asian Games ay hangad din ni Pinay boxer Josie Gabuco ang makasuntok ng tiket sa 2020 Tokyo Olympic Games.
Sa kabila ng wrist injury ay kumpiyansa pa rin si Gabuco na matutupad ang kanyang pangarap.
“Kaya ko pa po naman. May ibubuga pa,” wika ng 32-anyos na si Gabuco sa 35th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.
Ang pagbibigay sa tubong Puerto Princesa City, Palawan ng ABAP (Alliance of Boxing Association of the Philippines) at ng kanyang mga coaches ang nagpapa-lakas ng loob niya.
“Kung sila nga patuloy na nagtitiwala sa akin, bakit ako hindi,” sabi ni Gabuco, nakamit ang una niyang gold medal noong 2004 National Open para mapabilang sa national team.
Isang gold medal winner sa light flyweight ca-tegory noong 2012 AIBA Women’s World Boxing Championships, tiniyak ni Gabuco na gagaling ang kanyang wrist injury bago ang 2019 SEAG na nakatakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembrte 11.
“Sa tingin ko, malaki ang tsansa uli natin sa SEA Games,” ani Gabuco sa weekly forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG GurBano Tea Leaf Drinks.
- Latest