Titans paborito vs Skippers
MANILA, Philippines — Inaasahan ang muling pagpapasiklab ni Aaron Black sa pagharap ng AMA Online Education kontra sa Marinerong Pilipino ngayon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ang dating Ateneo Blue Eagles na si Black at anak ni Meralco coach Norman, ay humataw agad ng dalawang triple-doubles sa una niyang dalawang laro sa developmental league.
Bukod sa mataas na 25.5 puntos average bawat laro, umani pa siya ng 15.5 rebounds at 12.5 assists kada laro kabilang na ang 26 puntos, 16 rebounds at 14 assists para sa Titans kontra sa iWalk, 110-92 noong nakaraang linggo para umangat sa 1-1 win-loss kartada.
Maghaharap ang AMA Titans at Skippers sa alas-5:30 ng hapon pagkatapos ng pagtatagpo ng CEU Scorpions laban sa Naitalk-Savio habang inaasahan din ang magandang laban sa pagitan ng Italiano’s Homme at Technological Institute of the Philippines sa ala-1:30 ng hapon.
Ayon kay Skippers coach Yong Garcia na may pang-tapat naman sila laban kay Black, pero mas pokus sila sa kanilang team defense kontra sa Titans.
“May special plan kami para kay Aaron Black. Pero our focus is team defense,” ani Garcia.
- Latest