^

PSN Palaro

Makati, Davao nanalasa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Rumesbak ang Makati Super Crunch nang tuhugin nito ang Cebu City Sharks sa pamamagitan ng 73-67 demolisyon sa 2019 MPBL Lakan Season sa Muntinlupa Sports Complex.

Umangat ang Super Crunch sa ikatlong puwesto sa northern division taglay ang 5-1 marka.

Naiwasan ng Makati ang kumulapso nang sumaklolo sina Jeckster Apinan at Joseph Sedurifa na nagtala ng dalawang krusyal na baskets sa hu­ling sandali ng laro para makuha ang panalo.

“We still have a lot of things to improve on and one of them is our killer’s instinct,” ani  Makati coach Cholo Villanueva.

Samantala, naka­ba­likwas ang reigning Southern Division champion Davao Occidental sa masamang simula para hatakin ang 104-75 pa­nalo laban sa expansion team SOCCSKSARGEN sa larong idinaos  sa Navotas Sports Complex.

Ginamit ng Cocolife-Tigers ang 36-13 run sa final period para patumbahin ang Marlins at makuha ang ikaapat na sunod na panalo sa torneong inorganisa ni Senator Manny Pacquiao katuwang si PBA legend at dating MVP Kenneth Duremdes.

Dahil sa panalo, uma­ngat na ang Tigers ni Dumper Partylist  Congresswoman Claudine Bautista na may  ayuda nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon, FVP Joseph Ronquillo. AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joei Araque sa No. 1 spot sa Southern Division kasosyo ang Bacoor tangan ang parehong 6-1 marka.

Muling bumanat si Mark Yee na nagtala ng double-double na 10 points at 13 rebounds para pamunuan ang Davao Tigers.

2019 MPBL LAKAN SEASON

MAKATI SUPER CRUNCH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with