Petecio umabante sa quarters ng Thailand Open
MANILA, Philippines — Nagsumite si 2014 World Championships silver medallist Nesthy Petecio ng unanimous decision win para makasiguro ng puwesto sa quarterfinal round ng women’s featherweight division sa 2019 Thailand Open International Boxing Championship.
Tinalo ni Petecio si Tumurkhuyag Bolortuul ng Mongolia sa second round para labanan sa quarterfinals si Won Un Gyong ng North Korea na sinorpresa si top seed Yin Junhua ng China sa pamamagitan ng 3-2 split decision win.
Nabangasan na naman ang national team nang masibak sa kontensyon si light flyweight Carlo Paalam na lumasap ng unanimous decision loss kay Wuttichai Yurachai ng Thailand sa men’s light flyweight division.
Nauna nang umabante sa quarterfinals si Southeast Asian Games gold champion John Marvin sa men’s flyweight class laban kay Zhang Jilei ng China, habang sasalang sina bantamweight Ian Clark Bautista at welterweight Marjon Pianar.
- Latest