^

PSN Palaro

Korver mas pinili ang Bucks kesa Philadelphia 76ers

Pilipino Star Ngayon

MILWAUKEE —Dahil sa kanyang magandang re­lasyon kay coach Mike Bu­denholzer ay pinili ni free-agent guard Kyle Korver na maglaro para sa Bucks.

Pumayag ang 38-an­yos na si Korver na lagdaan ang one-year, $2.6 million deal, ayon sa kanyang agent na si Jeff Schwartz ng Excel Sports.

Bukod sa Bucks ay iki­nunsidera rin ni Korver ang Phi­ladelphia 76ers.

Naglaro ang 38-anyos na three-point shooter ng three-plus seasons para sa At­lanta Hawks ni Budenholzer noong 2015.

Isa si Korver sa mga 'most accurate 3-point sho­oters' sa kanyang heneras­yon matapos magsalpak ng 43 percent sa 16-year NBA career niya at apat na beses pinamunuan ang liga sa 3-point accuracy.

Kakampanya siya para sa Bucks na nakapasok sa Eastern Conference finals at naglista ng best regular-season record na 60-22.

Unang naglaro si Kor­ver para sa 76ers noong 20­03 bilang second-round pick bago kumampanya pa­ra sa Utah Jazz, Chicago Bulls, Hawks at Cleveland Ca­valiers.

Bagama't binitawan si Malcolm Brogdon sa India­na Pacers ay napalagda naman ng Milwaukee sina guards Wesley Matthews at Korver sa free agency.

Samantala, makikipag-usap naman sa Bucks si free agent guard J.R. Smith, naglaro ng crucial role sa Cavaliers cham­pionship run noong 2016 ka­sama si LeBron James, ma­tapos bitawan ng Cleveland bago mabig­yan ng ga­rantiya ang kanyang $15.6 million contract sa susunod na season.

Interesado ang Milwau­kee sa 33-anyos na si Smith para idagdag kina Kor­­ver at Matthews sa kanilang backcourt sa dara­ting na season.

KYLE KORVER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with