Manny pinabulaanan ang laban kay Amir sa Nobyembre
MANILA, Philippines — Isang malaking thumbs down ang ibinigay ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa inihayag ni Amir Khan na kasado na ang kanilang laban sa Saudi Arabia sa Nobyembre.
Mismong ang reigning World Boxing Association regular welterweight champion ang nagsabi na wala siyang pinipirmahang kontrata para sa laban kay Khan.
Tutok si Pacquiao sa nakatakdang unification bout laban kay Keith Thurman sa Linggo sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
“I don’t have any idea. I don’t know that news, it’s not true,” ani Pacquiao.
Nagulat din ang publicist ni Pacquiao na si Fred Sternberg sa mga inihayag ni Khan.
“He has been in training camp for the past eight weeks, four in the Philippines and four in the United States, and he hasn’t met with Amir Khan during that time,” ani Sternberg.
Tila nagpapapansin lang umano si Khan na galing sa knockout win kay dating world featherweight champion Billy Dib para makuha ang World Boxing Council international welterweight belt noong nakaraang linggo sa Jeddah, Saudi Arabia.
“That’s a question you need to ask Amir Khan,” ani Sternberg.
Sa ngayon ay wala pa sa isip ni Pacquiao ang susunod niyang laban.
Maging ang posibleng pakikipagtuos nito kina Errol Spence Jr. at Shawn Porter na mga ikinakabit na pangalan na posibleng makaharap ni Pacquiao matapos ang Thurman fight.
“It’s hard to discuss or talk about it right now. My plan is one fight at a time. So we’ll see, we’ll finish this on Saturday then we’ll talk about that,” dadag ni Pacquiao.
Nakasentro ang atensyon ni Pacquiao kay Thurman.
- Latest