^

PSN Palaro

Lifesavers hiniya ang Lady Realtors

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lifesavers hiniya ang Lady Realtors
Na-blocked ni Angeli Araneta ng Generika ang tira ni Joy Dacoron ng Sta. Lucia Realty sa aksyong ito sa PSL All Filipino Conference.
PSL Image

MANILA, Philippines — Napigilan ng Generika Ayala ang paghahabol ng Sta. Lucia Realty sa hu­ling sandali ng laro upang kubrahin ang 25-12, 25-23, 28-26 panalo kahapon sa 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Cadiz City Arena sa Negros Occidental.

Ito ang ikatlong panalo ng Lifesavers para saluhan sa ikalawang puwesto ang reigning champion Petron hawak ang magkatulad na 3-1 baraha.

“We had a strong start but we struggled in the se­cond and third sets. Good thing was, the girls hung tough and completed those comebacks. It was good to notch our third straight win. We’re already improving so we just hope we could sustain it against Cignal,” ani Lifesavers head coach Sherwin Meneses.

Nanguna sa ratsada ng Generika Ayala si outside hitter Fiola Ceballos na bumanat ng 10 puntos – lahat galing sa attacks – habang nagrehistro naman si team captain Angeli Araneta ng siyam na puntos gayundin si Patty Orendain na nagdagdag ng walong hits.

Mainit na sinimulan ng Lifesavers ang laro para kunin ang 25-12 sa first set.

Ngunit pumalag ang Lady Realtors sa second frame nang kunin nito ang 22-19 bentahe bago pa­kawalan ng Lifesavers ang 6-1 run tungo sa 2-0 kalamangan sa set.

Muling nabaon ang Generika Ayala sa third set, 15-19 ngunit agad itong nakabawi partikular na sa huling bahagi ng laro para makuha ang panalo.

GENERIKA AYALA

STA. LUCIA REALTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with