^

PSN Palaro

Ancajas si Estrada ang kursunada

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hangad ni reigning International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas na makalaban si WBC champion Juan Francisco Estrada sa isang unification bout.

“If we can get the Estrada fight that will be exci­ting,” sabi ng 27-anyos na si Ancajas sa PSA Forum kahapon sa Amelie Hotel-Manila.

Malakas ang loob ni Ancajas na puwede niyang talunin ang 29-anyos na si Estrada na mayroon ding mabigat na 39-3 record, 26 via knockout.

“We believe that there’s a way to beat Estrada. We can beat him,” dagdag ni  Ancajas na matagumpay na naidepensa ang titulo sa pang-pitong pagkakataon matapos ang 7th round TKO ni Ryuichi Funai ng Japan noong Mayo sa Stockton, California.

Sinabi pa ni Ancajas na isa si Estrada sa tatlong boksingerong kinukunsi­dera ng Top Rank promotion para sa kanyang susunod na laban sa Setyembre o sa Oktubre.

Ang ibang kinukunsidera ay sina Andrew Maloney ng Australia na may record na 20-0 at si Alexandru Marin ng Romania (18-0).

“I hope I can unify the belts if I’m blessed,” pahayag ni Ancajas.

Ayon naman sa kanyang trainer na si Joven Jimenez, malalaman ang susunod na makakaharap ng Filipino champion sa susunod na linggo o sa ikalawang linggo ng kasalukuyang buwang.

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

JUAN FRANCISCO ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with