San Beda mahihirapan sa 4-peat--Fernandez
MANILA, Philippines — Maliban sa mga players ay nagpalakas din ang mga koponan sa paghugot ng mga bagong coaches.
Kaya aminado si San Beda University mentor Boyet Fernandez na mahihirapan silang makamit ang inaasam na ‘four-peat’ sa darating na NCAA Season 95.
“Well, lahat naman ng teams, nag-beef up, including the coaches,” wika ni Fernandez. “I think malakas din lahat ng teams.”
Ang tinutukoy ni Fernandez ay ang pagpaparada ng Arellano Chiefs sa bagong coach na si Cholo Martin bukod kina Randy Alcantara ng Mapua Cardinals at Louie Gonzalez ng Jose Rizal Heavy Bombers.
“I’m excited to play against the new coaches,” wika ni Lyceum Pirates bench tactician Topex Robinson.
Unang makakasagupa ng San Beda ang Arellano sa alas-4 ng hapon matapos ang pagkikita ng Letran at Lyceum sa alas-2 sa pagbubukas ng NCAA Season 95 sa Linggo sa MOA Arena sa Pasay City.
Nawala sa kampo ng Red Lions ang mga kamador na sina Robert Bolick (NorthPort) at Javee Mocon (Rain or Shine).
Ngunit nariyan pa rin sina Donald Tankoua, Clint Doliguez at AC Soberano katuwang sina James Canlas at Evan Nelle.
“Maganda ang performance nila ng preseason. I would say it’s San Beda,” wika ni Perpetual Help Altas coach Frankie Lim.
- Latest