^

PSN Palaro

PCKDF team TOPS Athlete of the Month

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napili ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ang Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation (PCKDF) bilang “Athlete of the Month” para sa buwan ng Hunyo.

Nasungkit ng Go For Gold ang monthly honor bunga ng kanilang gold winning performances sa dalawang sunod na international events kabilang na sa Singapore at China noong nakaraang buwan.

Nag-uwi ang PCKDF nina president Jonne Go at coach Len Escolante ng dalawang ginto sa 2019 DBS Marina Regatta sa Singapore at sinundan ng dalawa pang ginto sa 2019 Beijing International Dragonboat Competition sa Beijing, China.

Tumapos ang Filipino team sa oras na 30.85 se­gundo upang talunin ang Chinese bet Dubula (2:39.88-sec) sa 500-m event at ang Beijing Fuxing Dragon Warriors (2:41.12). Sa 250-m event, nag-oras ang Pinoy paddlers ng 1:10.56 para angkinin ang ikalawang ginto.

Sa Singapore naman, nagtala ang mga Pinay paddlers ng 1:00.76 para sa ginto sa women’s 10-seater division at 10-seater mixed category.

Ang ibang kinukonsider sa buwan ng Hunyo ay sina Chino Tancontian at Patrick Manicad na nanalo ng gold medal sa  2nd Southeast Asian Sambo Championships sa Ban­dung, Indonesia at si  Jordan  Do­minguez ng Mountain Province na nakakuha ng bronze medal sa World Taekwondo Poomsae Grand Prix sa Rome, Italy.

Ang TOPS ay siya ring presentor ng lingguhang ‘Usapang Sports’ forum tuwing Huwebes sa National Press Club na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), NPC, PAGCOR, CBA at may live streaming mula sa Glitter Livestream. 

vuukle comment

GO FOR GOLD

TABLOIDS ORGANIZATION IN PHILIPPINE SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with