San Juan, Makati sumalo sa unahan
Laro Bukas(Ateneo Blue Eagles Gym, Quezon City)
4 p.m. Navotas vs Bacolod
6:30 p.m. Iloilo vs Bataan
8:30 p.m. Valenzuela vs QC
MANILA, Philippines — Umani si Larry Rodriguez ng double-double performance upang iangat ang Datu Cup champion San Juan Knights sa 74-72 panalo laban sa Pasay Voyagers sa 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakandula Cup noong Biyernes ng gabi sa FilOil Flying V center sa San Juan City.
Humataw ang dating PBA standout na si Rodriguez ng 10 puntos at 10 rebounds na may kasama pang tatlong assists, dalawang blocks at isang steal para masungkit ng Knights ang kanilang ikalawang sunod na panalo at makisosyo sa liderato kasama ang Makati Super Crunch at Manila Stars sa parehong 2-0 win-loss kartada sa Northern Division.
Umabot sa pinakamalaking 21 puntos ang bentahe ng San Juan, 26-5 sa umpisa ng ikalawang yugto, ngunit bumawi ang Voyagers at naagaw pa ang abante, 72-71 sa floating jumper ni JohnJamon may 2:07 pa ang natitira sa laro.
Sa sumunod na yugto, naagapan nina CJ Isit at Jhonard Clarito ang laban sa kanilang 3-0 wind-up para isalba ang Knights at ibigay sa Voyagers ang kanilang unang talo sa tatlong laro sa parehong Northern group.
Sa iba pang laro, nagwagi ang Makati Super Crunch kontra sa Bacolod Master Sardines, 84-74 para itala rin ang ikalawang sunod na panalo habang naka-eskapo ang Iloilo United Royals laban sa Parañaque Patriots sa iskor na 67-64.
- Latest