^

PSN Palaro

Lady Troopers matatag sa No. 3

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Troopers matatag sa No. 3
Nagpakawala ang Lady Troopers ng kaliwa’t kanang matatalim na atake dahil sa impresibong playmaking skills ni Sarah Jane Gonzales na nagrehistro ng 21 excellent sets para kubrahin ng kanilang tropa ang ikaapat na panalo sa pitong laro.

MANILA, Philippines — Pinayuko ng Pacific Town-Army ang BaliPure sa pamamagitan ng 25-21, 25-20, 25-21 desisyon upang mapatatag ang kapit sa No. 3 spot at higit na mapalakas ang pag-asa sa semifinals ng 2019 Premier Volleyball League Reinforced Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagpakawala ang Lady Troopers ng kaliwa’t kanang matatalim na atake dahil sa impresibong playmaking skills ni Sarah Jane Gonzales na nagrehistro ng 21 excellent sets para kubrahin ng kanilang tropa ang ikaapat na panalo sa pitong laro.

“Nakinig lang kami sa instruction ni coach (Kungfu Reyes). Sinabi niya na huwag kami magre-relax kailangan happy lang kami sa loob ng court, huwag ma-rattle sa laro,” ani Gonzales na umiskor din ng limang puntos.

Sinubukan ng Water Defenders na makahirit ng fourth set matapos itala ang 19-17 bentahe sa third frame sa likod nina imports Alexandra Vajdova at Danijela Dzakovic at team captain Grace Bombita.

Ngunit agad na na­ka­balik sa porma ang Lady Troopers nang pamunuan nina Olena Lymareva-Flink at Jenelle Jordan ang pagresbak para makuha ang 23-20 kalamangan.

Isang middle attack pa ang pinakawalan ni Jordan kasunod ang solidong block kay Vajdova ang nagdala sa Lady Troopers sa panalo.

2019 PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

LADY TROOPERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with