^

PSN Palaro

Bawas event sa 30th SEAG--POC

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Bawas event sa 30th SEAG--POC
Sa pagkaka-upo pa lang ng 74-anyos na si Roma­santa bilang POC chief kapalit ng nagbitiw na si Ricky Vargas, agad nagpatawag ito ng POC General Assembly nga­yong Martes sa GSIS Gym sa Pasay City para sa assessment ng mga National Sports Associations (NSAs) sa kanilang preparasyon sa SEA Games.

MANILA, Philippines — Ang matagumpay na hosting ng bansa sa 2019 Southeast Asian Games ang nasa isip agad ni Joey Romasanta matapos maupo bilang bagong presidente ng Philippine Olympic Committee (POC) noong Martes.    

Sa pagkaka-upo pa lang ng 74-anyos na si Roma­santa bilang POC chief kapalit ng nagbitiw na si Ricky Vargas,  agad nagpatawag  ito  ng POC General Assembly nga­yong Martes sa GSIS Gym sa Pasay City para sa assessment ng mga National Sports Associations (NSAs) sa kanilang preparasyon sa SEA Games.

Ang 30th SEA Games ay gaganapin dito sa Pilipinas sa Nobyembre 30 hanggang  Disyembre 11 sa New Clark City bilang main hub, Subic, Metro Manila at Tagaytay City.

Inutusan din ni Romasanta  si dating POC secretary-general Steve Hontiveros sa pagpapatawag ng emergency meeting sa 11-member SEA Games Federation Council upang  ipaalam ang bagong deve­lopment sa Olympic body ng Pilipinas.

Ayon sa isang source, kabilang umano sa tatalakayin sa SEA Games Federation Council mee­ting ang planong bawasan ang bilang ng mga sports disciplines mula sa 56 na pag­lalabanan sa 12-day meet.

Pinag-iisipan din umano ngayon ng POC na ipagpaliban sa unang quarter sa susunod na taon ang pagdaraos sa biennial multi-event meet dahil mahigit 164 araw na lang ang natitira  bago ang nakatakdang opening sa Nobyembre 30.

2019 SOUTHEAST ASIAN GAMES

JOEY ROMASANTA

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with