POC tumanggap ng P1.5M ayuda sa OCA
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Philippine Olympic Committee secretary-general Patrick Gregorio ang pag-apruba ng Olympic Council of Asia (OCA) sa pagbibigay ng katumbas na P1.5 milyon ukol sa pagbili sa official transport para sa POC.
Pumayag naman ang Toyota Motor Philippines na sagutin ang balanse ng 29-seater Toyota Coaster na nagkakahalaga ng P3.453M.
“This is part of our marketing efforts per instruction of POC president Ricky Vargas. Our marching orders were to source P100M in sponsorships and we are already at 90% of that goal after only a little over a year. We are confident that we will hit the target by end 2019", sabi ni Gregorio.
Sa pag-upo ni Vargas ay tumanggap ang POC ng P76 milyon mula sa San Miguel Corporation (P50M), MVP Sports Foundation (P20M) at Philippine Basketball Association (P6M).
Patuloy naman ang pagsuporta ng Summit Water at Milo sa pamamagitan ng kanilang sponsorships na nagkakahalaga ng P1M at P1.225M, ayon sa pagkakasunod.
“We have a lot of respect for Mr. Vargas who is also our chairman in the PBA. Although our teams are fierce rivals on the court, he has always conducted himself with fairness, competence and professionalism,” ani Alfrancis Chua, ang San Miguel Corporation sports director.
“This is why San Miguel Corporation, through our president Mr. Ramon S. Ang, did not think twice in showing full support to Pres. Ricky's programs in the POC”, dagdag pa nito.
Nangako naman ang Max's Group Inc (MGI) na magbibigay ng P10.5M sponsorship para sa mga atletang sasabak sa 2020 Tokyo Olympics.
Tiniyak ni Gregorio na ang lahat ng nasabing pondo ay mapupunta sa mga national athletes.
Kamakailan ay tumanggap ang lahat ng NSAs na may atletang lalahok sa 2019 SEA Games ng tig-P100,000 mula sa POC bilang financial assistance para sa kanilang training expenses.
- Latest