Chot nag-resign sa TV5
MANILA, Philippines — Matapos ang tatlong taon ay tuluyan nang binitawan ni dating Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ang kanyang posisyon bilang Chief Executive Officer ng television network na TV5.
Kinumpirma ni Reyes ang kanyang pagbibitiw sa puwesto bilang CEO ng TV5 matapos ang tatlong taon.
Sa panayam ng Fashion Pulis blog, sinabi ni Reyes na iiwanan na niya ang TV5 at nakatakdang palitan ni Jane Basas, ang presidente ng affiliate Cignal TV.
Ayon kay Reyes, kinausap siya ni PLDT chairman at Chief Executive Officer (CEO) Manuel V. Pangilinan para mailipat sa ibang puwesto ng nasabing PLDT Group na kanyang mariing tinanggihan.
“I’ve been here more than five years and, you know, I’m really not the corporate type,” wika ni Reyes sa isang panayam sa kanyang pamamahala sa Media5, ang sales arm ng TV5. “I asked if I could opt for early retirement.”
Ilan sa mga naging hakbang ni Reyes, bumaba sa pagiging head coach ng Gilas Pilipinas noong nakaraang taon, para palakasin ang TV5 ay ang pagtitipid sa mga hindi kumikitang entertainment shows.
Itinutok din ni Reyes ang TV5 sa news at sports programming na nagresulta sa kanilang pakikipagtambal nila sa ESPN Inc. noong 2017.
Ayon kay Reyes, mas maaasikaso niya ang kanyang personal business na Coachcom Inc. na nag-aalok ng executive coaching services.
- Latest