Dillinger sa Ginebra tatapusin ang career
MANILA, Philippines — Sa Barangay Ginebra na marahil tatapusin ni veteran guard Jared Dillinger ang kanyang PBA career.
Ito matapos ilagay ng Meralco ang 35-anyos na si Dillinger sa unrestricted free agent list na siyang sinamantala ng Gin Kings para makuha ang Fil-Hawaiian.
Naglaro ang 6-foot-4 swingman ng 11 taon sa PBA para sa TNT Katropa at Meralco at nagposte ng mga averages na 7.8 points, 5.2 rebounds at 1.2 assists per game sa nakaraang 2019 PBA Philippine Cup.
Napanood si Dillinger sa limang laro ng Bolts sa nasabing torneo, ngunit hindi na isinama sa line-up para sa 2019 PBA Commissioner's Cup.
Samantala, pinatawan naman ng PBA si Magnolia governor Rene Pardo ng multang P50,000 dahil sa pagkakasangkot niya sa paglusob ni 'Spiderman' sa Game Five ng 2019 PBA Philippine Cup Finals sa pagitan ng Hotshots at nagkampeong San Miguel Beermen.
Nakita sa video ang pananakit ni Pardo sa sinasabing kasama ni Paolo Felizarta, nagsuot ng costume ni 'Spiderman', habang inilalabas sa Smart Araneta Coliseum.
Nauna nang pinagbayad sina Ronald Tubid at Kelly Nabong ng San Miguel ng tig-P75,000 bukod pa sa three-game suspension dahil sa nasabing insidente.
- Latest