^

PSN Palaro

POC officials hihimayin ang mga isyu sa TOPS

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang nangyaring kaguluhan sa General Assembly ng Philippine Olympic Committee ang pag-uusapan bukas sa ika-24 edisyon ng “Usapang Sports” na inihahandog ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.

Inaasahang magpapaliwanag ang mga POC top officials sa naturang isyu lalo pa at naghahanda ang bansa sa pamamahala sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre.11.

Noong Lunes ay tinanggal ni POC president Ricky Vargas sa puwesto si dating POC head Jose “Peping” Cojuangco kasama ang ilang high-ranking officials na ikinukunsidera niyang “an interloper and outsider.”

Ang pang-alas-10 ng umagang public service prog­ram na itinataguyod ng Phlippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Associaton at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ang magiging unang public appearance ng mga POC officials matapos ang nasabing General Assembly.

Ang mga inalis ni Vargas sa puwesto ay sina Joey Romasanta at Monsour del Rosario bilang Chef de Missions ng 2020 Tokyo Olympics at 2019 SEA Games, ayon sa pagkakasunod.

Tinanggal din sina Robert Bachmann at Richard Ho bilang membership committee chair at deputy CDM.

Ang apat ay kaalyado ni Cojuangco na tinalo ni Vargas sa POC election noong nakaraang taon.

vuukle comment

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

TABLOIDS ORGANIZATION IN PHILIPPINE SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with