^

PSN Palaro

PH jins sisipa sa World C’ships sa UK

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malakas ang tiwala ng Philippine national team sa magandang kampanya sa kanilang pagsabak sa 2019 World  Taekwondo Championships na gaganapin nga­yon hanggang Mayo 20 sa Manchester, United Kingdom.

Sampung Filipino jins kabilang ang anim na male at apat na female ang magdadala sa SMART-MVP Sports Foundation team sa prehistiyosong torneo na sasalihan ng 94 bansa na kinabibilangan ng Korea, China, Spain, Iran, Turkey, Chinese-Taipei at Amerika.

Matatandaang nagpakita ng impresibong performance ang mga Pinoy jins sa nakaraang ASEAN tournament kung saan humakot sila ng 95 medalya.

Pangungunahan ni Kurt Brian Barbosa, lalahok sa -54-kg. category, ang kampanya ng bansa kasama sina Dex Ian Chavez (-58kg), Keno Anthony Mendoza (-63kg), Arven Alcantara (-68kg), Dave Cea (-74kg) at Samuel Thomas Harper Morrison (-80kg). Kabilang din sa koponan sina  Veronica Garces (46kg), Baby Jessica Canabal (-49kg), Rheza Aragon (-53kg) at Pauline Louise Lopez (-57kg) ang aasahan sa women’s category.

Kasama sa 10-man team ang mga opisyales na sina Tem Igor Mella (head of team), Christian Al Dela Cruz at Carlos Jose Padilla V  at mga coaches na sina  Kim Hyoung (trainer) at Janneth Tenorio (photographer).

Ang partisipasyon ng Pilipinas ay sinusuportahan ng Philippine Sports Commission, PLDT, Meralco, Philippine Olympic Committee at Milo.

2019 WORLD TAEKWONDO CHAMPIONSHIPS

FILIPINO JINS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with