^

PSN Palaro

Ancajas pinigil si Funai sa round 7

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Ancajas pinigil si Funai sa round 7
Nakalusot ang right cross ni Pinoy champion Jerwin Ancajas sa panga ni Japanese challenger Ryuichi Funai.
Philboxing.com

MANILA, Philippines — Pinulbos ni Filipino pride Jerwin Ancajas si Japanese mandatory challenger Ryuichi Funai patungo sa seventh-round knockout win upang mapanatili ang International Boxing Fede­ration super flyweight crown kahapon sa Stockton Arena sa Stockton, Ca­lifornia.

Walang sinayang na san­dali ang Panabo City, Da­vao del Norte pride nang ilabas ang matatalim na kumbinasyon at solidong sun­tok para gulpihin ang Ja­panese pug.

Duguan na ang ilong ni Funai subalit hindi ito agad sumuko sa pag-asang tatagal pa sa laban.

Dahil sa tinamong bugbog ni Funai, nagpasya na ang ring physician na hu­wag nang ituloy ang la­ban bago magsimula ang seventh round upang ma­panatili ni Ancajas ang korona.

Ito ang ikapitong sunod na title defense ni Ancajas.

“Sobrang tapang din po niya (Funai). Sobrang ti­bay din. Makikita mo talaga sa kanya ‘yung pusong palaban,” sabi ni Ancajas na sumulong sa 31-1-2 rekord tampok ang 21 knockouts.

Nagtala si Ancajas ng 389 kabuuang suntok kung saan 163 dito ang ku­­monekta kay Funai.

Sa kabilang banda, hindi nakaporma ang Japanese fighter na mayroon lamang 199 pinakawalang suntok kung saan 48 ang tu­mama kay Ancajas.

Maganda ang kundis­yon ni Ancajas na resulta aniya ng programang inihanda para sa kanya ng kanyang coaching staff.

Ilang pagbabago ang gi­nawa sa training gayundin sa pagkain kung saan ku­muha pa ang Team Ancajas ng nutritionist para bantayan ang mga kinakain ng Pinoy champion.

“Maraming ginawang pagbabago sa training pati sa mga kinakain. Malaking tulong po yun para makuha ko yung magandang kun­dis­yon ng pangangatawan. Matinding training din ang pinagdaanan ko para ma­ku­ha itong panalo,” sabi pa ni An­cajas.

Itinuturing din niya itong “statement win” makaraang magtapos sa draw ang kanyang huling laban kay Alejandro Santiago noong Setyembre 29, 2018 na gi­nanap sa Oracle Arena sa Oakland, California.

JERWIN ANCAJAS

RYUICHI FUNAI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with