^

PSN Palaro

Gabuco abante sa Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gabuco abante sa Finals
Mainit ang simula ni Gabuco matapos paliguan ng suntok ang Mongolian fighter na tila nagpabagal sa galaw nito.
Josie Gabuco Facebook Page

MANILA, Philippines — Nasikwat ni Southeast Asian Games champion Josie Gabuco ang tiket sa finals matapos itarak ang split decision win kontra kay Mungunsaran Balsan ng Mongolia sa women’s light flyweight category ng 2019 Asian Boxing Elite Championships na ginaganap sa  Huamark Indoor Stadium sa Bangkok, Thailand.

Mainit ang simula ni Gabuco matapos paliguan ng suntok ang Mongolian fighter na tila nagpabagal sa galaw nito.

Naikonekta ni Gabuco ang solidong suntok para bila­ngan si Balsan ng referee may 56 segundo pang nalalabi sa second round. Nagawang makatakas ng Mongolian pug.

Subalit hindi na ito nakalusot sa matutulis na atake ni Gabuco sa third round para tuluyang angkinin ng Pinay bet ang panalo.

Makakasagupa ni Gabuco sa championship round ang magwawagi sa pagitan nina Pin Meng-Chieh ng Chinese-Taipei at Kim Hyang Mi ng North Korea.

Nagkasya naman si Ian Clark Bautista sa tansong medalya matapos matalo kay Mirazizbek Mirzahalilov ng Uzbekistan via split decision sa semifinals ng men’s bantamweight division.

JOSIE GABUCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with