Jadambaa iuuwi sa Mongolia ang ONE Featherweight title — trainer
MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang kampo ng mixed martial artist Narantungalag Jadambaa na mananaig kontra sa Vietnamese-Australian sensation at ONE Featherweight World Champion Martin Nguyen sa darating na Biyernes.
"100%, yes off course," sagot ni Junichi Arai, trainer at manager ni Jadambaa sa PSN nang tanungin kung gaano kasigurado sa kanyang pagkapanalo.
Aniya, nagsanay ang kanyang manok, na dati na ring napanalunan ang featherweight belt, sa lahat ng aspeto ng laro.
"[K]ickboxing, grappling and wrestling... He trained all aspects of MMA," dagdag niya.
Sa tingin ni Arai, kailangan lang ng tatlo hanggang apat na rounds ng kanilang pambato.
"Well, in my opinion Narantungalag Jadambaa is better than the champion in striking and grappling as well, so he might knock out the champion or he may submit the champion," ani Arai.
Kampeon galing sa injury
Maganda naman daw ang kondisyon ni Nguyen at handa nang sumagupa sa Biyernes.
"Look at me, I've got a smile on my face. I don't have to cut weight, I don't have to do any bit of weight cutting at all... This is my division, this is where I'm on my... heaviest, this is where I'm... strongest, where I'm... fastest," ani Nguyen sa reporters.
Nanggaling si Nguyen sa isang knee injury, dahilan para isuko niya sa pamunuan ng ONE ang kanyang Lightweight World Title Setyembre noong 2018.
Dating hawak ni Nguyen ang parehong featherweight at lightweight title nang sabay.
"In terms of the knee injury, thank you to the guys at home... Every single day, I was in that clinic, it was like five weeks, six weeks straight," dagdag niya.
"Intense sessions."
Hindi naman diretsong sinagot ni Nguyen kung sino sa tingin niya ang mas lyamado sa kanilang dalawa.
"I think we both have greater power... Friday night, when we land the punch and [see] who crumbles, you know, we'll see who has the stronger punch," sabi ng kampeon.
'Age doesn't matter'
Sa press conference kanina, sinabi ni Jadambaa na hindi hadlang ng edad niya para manalo sa laban.
Kumpara sa 30-anyos na Vietnamese, nasa 43 taong gulang na kasi siya.
Mas matanda man si Jadambaa, sinabi ni Nguyen na nag-iingat pa rin siya sa makakaharap lalo na't beterano na siya sa martial arts.
"At the moment, I'm really worried about my next task, and that's Jadambaa. Defending my legacy, holding my title. And you know what, we will see where the plane and the road takes us," ani Nguyen.
"I'm very honored and humbled to go up against Jadambaa. He's a legend. Everyone calls out Jadambaa. But when it comes to the crunch of accepting the fight, I think nine times out of 10, people would say no."
Maghaharap ang dalawa para sa main event ng ONE: Roots of Honor, ika-12 ng Abril, sa Mall of Asia Arena.
- Latest