^

PSN Palaro

Lady Eagles pumuwesto na sa F4

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Eagles pumuwesto na sa F4
Pinangunahan ni Jules Samonte ang matikas na opensa ng Lady Eagles nang magtala ito ng importanteng puntos sa buong panahon ng laro tungo sa 13 puntos na produksyon na nabuo mula sa 10 attacks, dalawang aces at isang block para sa Ateneo.
facebook

MANILA, Philippines — Dinagit ng Ateneo de Manila University ang u­nang silya sa semis matapos patalsikin ang National University, 25-14, 24-26, 25-17, 25-19 kahapon sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Pinangunahan ni Jules Samonte ang matikas na opensa ng Lady Eagles nang magtala ito ng importanteng puntos sa buong panahon ng laro tungo sa 13 puntos na produksyon na nabuo mula sa 10 attacks, dalawang aces at isang block para sa Ateneo.

“Team work lang talaga, we played together to get this win. We prepared against NU, we just trusted coach O’s (Oliver Almadro) system and give our best,” ani Samonte.

Nananatiling mainit ang Lady Eagles hawak ang 10-1 baraha para pagti­bayin ang kapit sa solong pamumuno.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Ateneo para masiguro ang isa sa dalawang twice-to-beat card sa semis.

Nasibak ang Lady Bulldogs, laglag  sa 3-8 baraha.

Sa unang laro, mabilis na dinispatsa ng reigning champion De La Salle University ang Adamson University, 25-15, 25-18, 25-16  para higit na palakasin ang tsansa nito sa Final Four,

Bumandera si rookie Jolina Dela Cruz nang magtala ito ng 13 markers at 10 digs para buhatin ang Lady Spikers sa ikawalong panalo sa 11 laro at mapatatag ng kanilang tropa ang kapit sa No. 2 spot.

Nagdagdag naman si team captain Desiree Cheng ng 11 puntos habang kumana sina middle blockers Aduke Ogunsanya at Des Clemente ng pinagsamang 16 hits at outside hitter Tin Tiamzon ng anim na puntos.

 Patuloy na nalugmok ang Lady Falcons sa ilalim ng standings bitbit ang 1-10 baraha.

 Sa men’s division, dumikit ang NU sa twice-to-beat advantage matapos patumbahin ang La Salle, 25-20, 25-21, 25-16, kung saan umiskor si MVP candidate Bryan Bagunas ng 23 puntos.

Nasungkit naman ng FEU  ang ikalawang semis slot nang igupo nito ang UE  25-18, 25-19, 25-12.

Umangat sa 9-2 ang Tamaraws samantalang bagsak sa 2-9 ang Red Warriors.

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

UAAP SEASON 81 WOMEN’S VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with