Lady Spikers niresbakan ang Tigresses
Payback time
MANILA, Philippines — Hindi na pinatagal ng three-peat champion De La Salle Lady Spikers ang laban at ginantihan ang University of Santo Tomas Tigresses, 21-25, 25-23, 25-19, 26-24, upang masungkit ang solo second spot sa Season 81 UAAP women’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Pinangunahan ni team captain Des Cheng ang Lady Spikers mula sa kanyang career-high 20 points kabilang ang 14 attacks, 3 blocks at 3 aces para makopo ang kanilang pang-pitong panalo sa 10 laro at makaganti sa 20-25, 22-25, 17-25 pagkatalo sa Tigresses sa first round ng elimination noong Marso 6.
Hinarang ni Lourdes Clemente ang atake ni Eya Laure ng UST upang tapusin ang laro at ihulog ang Tigresses sa solo fourth spot sa 6-4 kartada sa likuran ng solo leader Ateneo Lady Eagles (8-1), Lady Spikers (7-3) at FEU Lady Tamaraws (6-3).
Sa kanilang panalo ay bahagyang nagpaparamdam si coach Ramil de Jesus sa kanilang seryosong mithiin sa pagsungkit sa makasaysayang ‘four-peat’.
Sa iba pang laro, tinapos na ng National University Lady Bulldogs ang pag-asa ng Adamson Lady Falcons matapos ang kanilang 28-26, 30-32, 25-21, 25-22, panalo para makamit ang ikatlong panalo sa sampung laro at mapanatiling buhay ang pag-asa na makapasok sa Final Four.
Nagsanib-puwersa sina Roselyn Doria at Audrey Paran at mga rookies na sina Princess Robles, Jennifer Nierva, Ivy Lacsina at Gelina Luceno para putulin ang kanilang three-game losing skid at bumawi sa sa three-set loss sa Lady Falcons sa first round.
- Latest