^

PSN Palaro

UFC fighter Conor McGregor 'magre-retiro' na

James Relativo - Philstar.com
UFC fighter Conor McGregor 'magre-retiro' na
Dumating ang kanyang deklarasyon ilang oras matapos sabihin sa "The Tonight Show" na nakikipagnegosasyon na siya para sa susunod na laban.
Twitter/Connor McGreggor

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng mixed martial arts fighter na si Conor McGregor ang kanyang pagreretiro mula sa sport ngayong Martes.

Dumating ang kanyang deklarasyon ilang oras matapos sabihin sa "The Tonight Show" na nakikipagnegosasyon na siya para sa susunod na laban.

"I've decided to retire from the sport formally known as "Mixed Martial Art" today," sabi niya sa Twitter.

Binati naman niya ang lahat ng mga dating nakasabayan na magpapatuloy sa propesyon.

Kasalukuyang ika-walo sa pound-for-pound list ng Ultimate Fighting Championship si McGregor.

Lilisanin niya ang larangan na may record na 21-4-0.

Siya rin ang unang UFC fighter na na nakasungkit ng dalawang title sa magkaibang weight divisions nang magkasabay.

Agosto noong 2017, nakaharap niya si Floyd Mayweather Jr. para sa una niyang professional boxing match.

Natalo siya sa undefeated boxer sa pamamagitan ng technical knockout.

Hindi unang pagkakataon

Samantala, hindi ito ang unang beses na inanunsyo niya ang pag-alis sa octagon.

Noong Abril 2016, nagpaskil din siya ng kahalintulad na mensahe sa Twitter: "I have decided to retire young. Thanks for the cheese. Catch ya's later," sabi niya.

Gayunpaman, nakipagbakbakan pa rin siya kay Nate Diaz sa UFC 202, Agosto sa parehong taon.

Kontrobersyal na MMA fighter

Kilala si McGregor sa kanyang pagiging "takaw away" at nabigyan ng palayaw na "Notorious."

Noong 2017, matatandaang dali-daling umakyat sa cage ang MMA fighter para ipagdiwang ang pagkaka-knockout ni Charlie Ward kay John Redmond sa Bellator 187.

Nangyari ito sa kahit hindi pa idine-deklarang tapos ang laban at kahit hindi siya lisensyadong cornerman.

Nauwi ito sa pakikipag-away sa isang opisyal at nasampal niya pa ang isang commissioner.

Matatandaan din ang ilang komprontasyon nila ni UFC fighter Khabib Nurmagomedov, na minsang nauwi sa kanyang pag-atake sa sinasakyang bus ni Khabib.

Na-injure din ang dalawang atleta mula sa pag-atake kung kaya't hindi sila nakapag-compete sa UFC 223.

Inaresto rin si McGregor noong ika-11 ng Marso ngayong taon matapos niya diumanong kunin at sirain ang cellphone ng isang fan na kumukuha ng kanyang litrato.

Sinampahan siya ng "strong-armed robbery" at "criminal mischief."

CONOR MCGREGOR

MIXED MARTIAL ARTS

ULTIMATE FIGHTING CHAMPIONSHIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with