^

PSN Palaro

Dono­vant Arriola Grant handa nang lumundag uli

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

ILAGAN CITY, Isabela  , Philippines  —  Matapos mawala sa eksena sa loob ng dalawang taon ay magbabalik sa aksyon si Fil-American long jump expert Dono­vant Arriola Grant sa 2019 Philippine Athletics Championship na magsisimula bukas dito sa Ilagan Sports Complex.

Makaraang angkinin ang gold medal sa Southeast Asian Games noong 2015 ay nagkaroon ng injury si Grant at hindi naisuot ang uniporme ng Philippine team sa sumunod na biennial event noong 2017.

“In 2017 I decided focus on my health,” wika kahapon ni Grant, ang unang Fil-Am athlete na dumating dito noong Marso 1.

Lumundag ang 6-foot-1 na si Grant ng 7.32 metro sa men's long jump para angkinin ang gintong me­dalya sa 2019 New Mexico Collegiate meet na mas malayo sa kanyang Philippine mark na 7.64m noong 2015.

Sinabi ni Grant, ang ina ay tubong Vigan, Ilocos Sur, na prayoridad niya ang manalo ng gold medal sa 2019 National Open para muling mapabilang sa Philippine national team na sasabak sa 30th SEA Games na pamamahalaan ng bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“I'm hoping to make it back to the national team and to the SEA Games,” ani Grant, ang lundag na 7.32m sa New Mexico Collegiate meet ay malapit sa 7.36m ni Pinoy long jumper Janry Ubas noong 2018 Asian Games.

Bukod kay Grant, ang iba pang overseas-based athletes na inaasahang sasabak sa 2019 National Open ay sina Eric Cray, Lily Carter, William Morrison, Alyana Nicolas, Natalie Uy, Kayla Robinson, Kristina Knott at EJ Obiena.

2019 PHILIPPINE ATHLETICS CHAMPIONSHIP

DONO­VANT ARRIOLA GRANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with