^

PSN Palaro

Magic hiniya ang Warriors

Pilipino Star Ngayon
Magic hiniya  ang Warriors
Nabigo ang Warriors sa ikalawang sunod sa unang pagkakataon simula noong Disyembre at natalo rin sila ng apat sa huli nilang anim na laro.

ORLANDO -- Nagsalpak si Aaron Gordon ng 22 puntos at 15 rebounds upang iangat ang Magic sa sosyohan sa top spot sa Southeastern Division matapos padapain ang bisitang  Golden State Warriors, 103-96.

Tumulong din ng 16 puntos off the bench si Terrence Ross at 12 puntos na may kasamang 13 rebounds mula kay Nikola Vucevic.

Ang Orlando ay nanalo ng pito sa huli nilang siyam na laro para tumabla sa Charlotte Hornets sa Division top spot.

Pinangunahan ni Stephen Curry ang Warriors sa kanyang 33 points, walong rebounds at anim na assists habang nag-ambag naman ng tig-21 puntos sina DeMarcus Cousins at Klay Thompson.

Nabigo ang Warriors sa ikalawang sunod  sa unang pagkakataon simula noong Disyembre at natalo rin sila ng apat sa huli nilang anim na laro.

Sa New York,  kumonekta si Jordan Clarkson ng go-ahead free throws sa huling 89 segundo para ihatid ang bisitang Cleveland Cavaliers sa 125-118 panalo laban sa  Knicks.

Winalis ng Cleveland ang New York sa kanilang 10th straight na panalo laban sa Knicks.

Sa Houston, humataw si James Harden ng 58 puntos, 10 assists at pitong rebounds para iba­ngon ang Rockets mula sa 21-puntos na pagkakalubog sa third quarter at takasan ang Miami Heat, 121-118.

AARON GORDON

WARRIORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with