Junior tracksters sasabak sa aksyon
Patafa twin tourney lalarga na
MANILA, Philippines — Sisimulan na ng Philippine national youth team ang kanilang kampanya sa pagbubukas ngayon ng 14th Southeast Asian Youth Athletics Championships sa Ilagan City Sports Complex sa Isabela.
Sasabak ang mga batang atletang Filipino laban sa malalakas na mga atleta mula sa Thailand na nagpadala ng mahigit 50 entries sa kumpetisyon.
Ang ibang malalakas na bansa na kasali ay ang Vietnam, Timor-Leste, Cambodia, Myanmar, Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore at Laos.
Pagkatapos ng SEA Youth competition, susunod agad ang 2019 Philippine National Open Athletics Championship sa Marso 6 hanggang 8 sa parehong venue.
Kabilang ang mga Filipino-American athletes na sina sprinters Eric Cray, Kristina Knott, Kyla Richardson, Zion Corrales at Robyn Brown ang magpapakitang gilas kasama sina pole vaulters Nathalie Uy at Alyanna Nicolas at middle distance runner Carter Lily.
Ang mga atletang Filipino ay sasali sa kumpetisyon na sinusuportahan ng Ayala Corporation, Milo, Soleus at City of Ilagan, para mapasama sa national team na sasabak sa 30th SEA Games ngayong Nov. 30 hanggang Dec. 11 dito sa Pilipinas.
Nakatakda ring lumahok ang Philippine national youth team sa Asian Youth Championships na gaganapin sa Hong Kong ngayong Marso 12-15.
“The Asian Youth in Hong Kong is on March 12 to15 and many of our neighbors are preparing for this. That’s why many countries have athletes who are going there (in Ilagan) before they go home in preparation for the SEA Games,” pahayag ni Philippine Athletics Track and Field Association president Philip Ella Juico.
- Latest