^

PSN Palaro

Heat sinilat ang Warriors

Pilipino Star Ngayon
Heat sinilat ang Warriors
Naikonekta ng star guard ang kanyang buzzer-beating three-point shot para tulungan ang Heat na makatakas sa bisitang Golden State Warriors, 126-125.
AP Photo/Brynn Anderson

MIAMI — Muling ipinakita ni Dwyane Wade ang kanyang pagiging bayani.

Naikonekta ng star guard ang kanyang buzzer-beating three-point shot para tulungan ang Heat na makatakas sa bisitang Golden State Warriors, 126-125.

Tumapos si Wade na may 25 points para sa Miami, winakasan ang six-game home losing slump.

Pinangunahan ni Goran Dragic ang Miami, nagsalpak ng 18 triples ang huli ay galing kay Wade, mula sa kanyang 27 markers.

Nabitawan ng Miami ang itinayong 24-point lead bago nakabawi para ungusan ang Golden State, nakahugot kay Klay Thompson ng 36 points.

Nagdagdag ng 29 markers si Kevin Durant, naimintis ang isang free throw sa huling 14 segundo habang may 24 points si Stephen Curry para sa Warriors.

Sa Charlotte, nagsumite si James Harden ng 30 points at nagtala si Clint Capela ng 23 points at career-high 17 rebounds para pangunahan ang Houston Rockets sa 118-113 panalo laban sa Hornets.

 Sa iba pang laro, nanalo ang Utah Jazz sa Los Ange­les Clippers, 111-105 at hiniya ng Washington Wizards ang Brooklyn Nets, 125-116.   

DWYANE WADE

GORAN DRAGIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with