^

PSN Palaro

Gordon, Paul bumida sa Rockets

Pilipino Star Ngayon
Gordon, Paul bumida sa Rockets

OAKLAND, California--Humataw si guard Eric Gordon ng 25 points tampok ang apat na three-pointers  habang nagsalpak si Chris Paul ng dalawang free throws sa huling 1:08 minuto ng fourth period para pamunuan ang Houston Rockets sa 118-112 paggiba sa Golden State Warriors.

Ginawa ito ng Rockets, nakahugot ng 23 markers kay Paul, laban sa Warriors na wala ang may sakit na si NBA scoring leader James Harden.

Ang triple at dalawang foul shots ni Stephen Curry sa huling 1:26 minuto ng laro ang nagdikit sa Wrriors sa 110-114 agwat bago isinalpak ni Paul ang dalawa niyang free throws para muling ilayo ang Houston.

Ipinoste ni Paul ang 11 sa kanyang season-high 17 assists sa first half para marating ang 9,000 assists sa career niya.

Umiskor si Kevin Durant ng 29 points samantalang naglista si Curry ng 25 markers, kasama ang limang tres, 9 rebounds at 7 assists para sa Warriors, nagwakas ang five-game home winning streak.

Sa Chicago, nagpasabog si Zach LaVine ng career-high 42 points at humakot si big man Lauri Markkanen ng personal-best 35 points at 15 rebounds para banderahan ang Bulls sa 126-116 paggupo sa Boston Celtics.a

CHRIS PAUL

ERIC GORDON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with