Stags nakipagtambal sa Valencia sa D-League
MANILA, Philippines — Nakipagtambal ang San Sebastian College-Recoletos sa Lungsod ng Valencia sa Bukidnon para sa darating na season ng 2019 PBA D-League.
Sinabi ni San Sebastian coach Egay Macaraya na ang Stags ang magdadala sa pangalan ng Valencia sa PBA D-League na lalahukan ng kabuuang 20 koponan.
“We thank Mayor Huervas and the city council for their support to the team,” wika ni Macaraya. “We want to have a solid partnership in the field of local sports development especially in basketball.”
Idinagdag ni Macaraya na ang pagsali ng San Sebastian sa PBA D-League ay bahagi ng kanilang paghahanda para sa darating na NCAA Season 95.
Si Valencia City Councilor Policarpio Murillo IV ang tatayong team manager habang si Rudirex ‘DX’ Ampo ang hinirang na assistant team manager para sa kanilang kampanya sa PBA D-League.
Ang Stags ay susuportahan din nina San Sebastian president Fr. Nemesio Tolentino, athletic director Fr. Glyn Ortega at San Sebastian Stags team manager Ramil Ranara ng Peltans Construction.
- Latest