^

PSN Palaro

Morales sa stage 3

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilampaso ni two-time champion Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance ang lahat na kasama sa mass finish para masungkit ang Stage Three ng 2019 LBC Ronda Pilipinas kahapon mula Iloilo City hanggang sa Roxas City Hall.

Ibinuhos ng 33-anyos na si Morales,  kampeon sa LBC Ronda  noong 2016 at 2017, ang buong lakas sa huling 500 metro para pa­ngunahan ang ikatlong araw ng UCI-sanctioned race sa tiyempong apat na oras, 35 minuto at 18 segundo.

Tumapos naman sa ikalawang puwesto si Do­minic Perez ng 7-Eleven Cliqq-Air 21 by Roadbike Philippines at ikatlo si Projo Waseseo Nex Cycling team ng Indonesia sa parehong identical time.

Lalo ring lumakas ang tiwala ni Morales matapos magwagi kontra sa two-time Southeast Asian Games gold medalist na si Mohd Harriff Saleh ng Te­rerngganu Inc. TSG team ng Malaysia sa pabilisan ng karera tungo sa finish line.

“I’m so happy because this is the first time I  won  a stage in a UCI race and I beat my idol (Saleh),” sabi ni Morales, na puma­ngalawa rin sa Austral­yanong siklista sa Le Tour de Filipinas noong 2011.

Si Morales ang ikalawang Filipino rider na nag-uwi ng Stage win matapos dominahin ni Marcelo Felipe ng 7-Eleven ang  Stage Two noong isang araw sa Guimaras Island.

Ang panalo nina Morales at ni Felipe ay hindi naka-apekto sa 42-anyos na si Francisco Mancebo-Perez ng Matrix Powertag Japan sa individual at team general classification ng karera dahil sa kanyang malaking lamang.

JAN PAUL MORALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with