^

PSN Palaro

Giyera na!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Giyera na!
Sisimulan nina Shyra Umandal (12) ng Lady Altas at Carla Donato (15) ng nagdedepensang Lady Chiefs (kapwa middle blockers) ang kanilang rivalry sa Game 1 ng NCAA Season 94 women’s volleyball.

Lady Altas, Lady Chiefs unahang dumikit sa titulo

Laro Ngayon (The Arena)

2pm Perpetual vs

St. Benilde (M)

4pm Perpetual vs AU (W)

MANILA, Philippines — Asahan ang pukpukang labanan sa pagitan ng reigning champion Arellano University at University of Perpetual Help System Dalta sa Game 1 ng NCAA Season 94 women’s volleyball tournament best-of-three championship series ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang engkuwentro ng Lady Chiefs at Lady Altas alas-4 ng hapon.

Mapapalaban ng husto ang Arellano dahil mataas ang moral ng Perpetual Help na siyang nagpatalsik sa top seed College of Saint Benilde sa pamamagitan ng impresibong 2-0 panalo sa semis.

Winasak ng Lady Altas ang twice-to-beat card ng Lady Blazers nang itarak ang 25-23, 25-21, 20-25, 25-23 panalo sa kanilang unang paghaharap kasunod ang 25-17, 27-29, 19-25, 26-24, 16-14 come-from-behind win sa rubber match para masikwat ang huling tiket sa finals.

Sesentro ang opensa ng Lady Altas kay outside hitter Cindy Imbo na humataw ng 32 puntos kabilang ang game-winning ace sa do-or-die game kontra sa Lady Bla­zers.

Posibleng maging s­ta­r­ter na rin si Hannah Suico na siyang gumawa ng mga krusyal na puntos sa kanilang huling laro.

Kailangan ding tumulong nina Jenny Gaviola, Jhoana Rosal, Jowie Albert Verzosa, setter Necelle Gual at team captain B­ianca Tripoli para pigilan ang Lady Chiefs.

Sa iba pang Finals match, maghaharap ang Perpetual Help at St. Benilde sa alas-2 ng hapon sa men’s division habang sasagupa ang Altalletes sa Colegio de San Juan de Letran sa juniors sa alas-11:30 ng umaga. 

NCAA SEASON 94 WOMEN’S VOLLEYBALL TOURNAMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with