^

PSN Palaro

Troy Rosario ready na sa Team Pilipinas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Troy Rosario ready na  sa Team Pilipinas
Matapos hindi makita sa unang tatlong laro ng TNT Katropa sa 2019 PBA Philippine Cup ay humakot ang 6-foot-7 na si Rosario ng 22 points at 5 rebounds sa kanilang 104-93 paggupo sa nagdedepensang San Miguel noong Linggo.

MANILA, Philippines — Bagama’t may nararamdaman pa ring sakit sa kanyang nabasag na ilong ay handa itong tiisin ni Troy Rosario para makasama sa Final 12 ng Team Pilipinas na isasabak sa sixth at final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa susunod na buwan.

Matapos hindi makita sa unang tatlong laro ng TNT Katropa sa 2019 PBA Philippine Cup ay humakot ang 6-foot-7 na si Rosario ng 22 points at 5 rebounds sa kanilang 104-93 paggupo sa nagdedepensang San Miguel noong Linggo.

“Medyo masakit ngayon, parang maga sa loob,” sabi ng power forward sa kanyang ilong. “Pero sa tingin ko hindi naman ganoon ka-grabe.”

Ang nasabing injury ay nakuha ni Rosario sa tune-up game ng Tropang Texters kontra sa NLEX Road Warriors bago ang pagbubukas ng 44th PBA Season.

Isinama ni national coach Yeng Guiao ang pangalan ni Rosario sa kanyang 14-man national pool bago idinagdag si Ateneo Blue Eagles star guard Thirdy Ravena.

“Isa rin ‘yon sa iniisip ko nu’ng na-injured ako kaya minadali ko rin ‘yung pagbalik ko,” ani Rosario, nagsuot ng protective mask para maprotektahan ang kanyang ilong. “Eh ngayon, nakapaglaro na ako so tingin ko ready na ako if ever mapili ako.”

Bukod kay Rosario, kasalukuyan ding may ankle injury si Rain or Shine big man Raymond Almazan at hindi pa nakakasama sa ensayo ng National sa Meralco Gym.

Lalabanan ng Team Pilipinas ang Qatar sa Pebrero 21 bago ang kanilang rematch ng Kazakhstan sa Pebrero 24 na parehong lalaruin sa labas ng Pilipinas.

2019 FIBA WORLD CUP ASIAN QUALIFIERS

TROY ROSARIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with