^

PSN Palaro

Bacoor, Bulacan nanalasa

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umiskor ng dalawang triples si Mark Pangilinan sa crucial stretch upang iangat ang Bacoor Strikers sa 90-87 panalo laban sa  Quezon City Capitals sa pagpapatuloy ng 2018-2019 MPBL Datu Cup noong Huwebes  ng gabi sa Strike Gymnasium sa Bacoor, Cavite.

Matapos maiwanan, biglang nagpasabog si Pangilinan ng triple para dumikit sa 87-86 mahigit 40 segundo na lang ang natitira at sinundan ng isa pang trey upang bawiin ang bentahe may 27 segundo na lang ang nalalabi.

Pinangunahan ni Mark Montuano ang Strikers sa kanyang 20 puntos, pitong rebounds at isang assist habang si Pangilinan ay tumapos ng 17 puntos, apat na rebounds at dalawang assists para iakyat ang Bacoor sa sosyohan sa pang-apat na puwesto kasama ang Gen. Santos Warriors sa parehong 10-9 slate sa Southern Division.

Ang QC Capitals ay bumaba sa pang-pitong puwesto sa 8-10 card sa Northern Division, ngunit nanatili naman ang kanilang asam na playoff berth.

Sa ibang laro, nagwagi naman ang Bulacan Kuyas kontra sa Caloocan Supremos, 86-82 para umangat sa pang-limang puwesto sa 13-8 card sa Northern Division.

vuukle comment

MARK PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with