^

PSN Palaro

All-Rookie team pararangalan ng PBAPC

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
All-Rookie team pararangalan ng PBAPC
Jason Perkins

MANILA, Philippines — Pamumunuan ni Phoenix small forward Jason Perkins ang All-Rookie team na pararangalan sa 25th PBA Press Corps Awards Night sa Enero 21 sa Novotel Manila Araneta Center.

Makakasama ni Perkins, hinirang na 2018 Rookie of the Year, sina Jeron Teng ng Alaska, Paul Zamar ng San Miguel, Robbie Herndon ng Magnolia at Christian Standhardinger ng San Miguel sa exclusive team na pinangalanan ng mga reporters na nagkokober ng PBA beat.

Bahagi rin ng honor roll ang pagkilala sa Breakout Player of the Year at Game of the Season sa pagdiriwang sa ika-25 anibersaryo ng annual affair na iniha­handog ng Cignal TV.

Ang nagretirong si Rain or Shine guard Chris Tiu ang tatanggap ng Breakout Player of the Year habang ang triple overtime thriller sa pagitan ng Barangay Ginebra at Rain or Shine sa 2018 Philippine Cup ang napiling Game of the Season.

Tatlong beses binasag ng 33-anyos na si Tiu ang kanyang career-high noong nakaraang taon matapos umiskor ng career-best 30 points sa 107-101 panalo ng Elasto Painters sa NLEX Road Warriors sa 2018 Governors Cup na siya niyang naging final game sa liga.

Tinapos niya ang season na may mga averages na 10.7 points, 4.0 assists at 2.4 rebounds.  

25TH PBA PRESS CORPS AWARDS NIGHT

JASON PERKINS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with