^

PSN Palaro

Bagong wrestling promotion itinatag; WWE nababahala?

James Relativo - Philstar.com
Bagong wrestling promotion itinatag; WWE nababahala?
Ilulunsad ang pinaka-unang event ng AEW sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada sa ika-25 ng Mayo.
Screengrab, Facebook/The Young Bucks

MANILA, Philippines — Dinagsa ng fans kanina ang Double or Nothing rally ng All Elite Wrestling sa Jacksonville, Florida, isang promotion na nakikitang ng banta ng ilan sa deka-dekadang pamamayagpag ng World Wrestling Entertainment.

Hinirang bilang Executive Vice President ng AEW ang dating WWE Intercontinental Champion na si Cody (kilala noon bilang Cody Rhodes) at Young Bucks (Matt at Nick Jackson) na humakot ng tag-team gold sa Ring of Honor at New Japan Pro Wrestling.

Ilan sa mga kumpirmadong signing ng AEW ay ang six-time world champion na si Chris Jericho at dating NXT at WWE Cruiserweight champion na si PAC (Neville).

Matatandaang itinaguyod nina Cody at Young Bucks ang independent wrestling event na "All In" noong Setyembre 2018 na pinuntahan ng 10,000 katao — bagay na hindi pa nagagawa ng anumang promotion sa Estados Unidos maliban sa WWE mula pa noong 1993.

Nabenta nila ang lahat ng ticket sa event sa ilalim ng 30 minutos kahit na isang match pa lang ang kanilang kinukumpirma.

Siniguro naman ni AEW chief brand officer na si Brandi Rhodes na pantay ang ibibigay nilang sweldo sa mga lalaki at babaeng wrestler.

“We care about our women, they are top talent, so, they will be paid equally, there’s no sliding scale,” ayon kay Brandi.

Kilala ang WWE sa malayong agwat ng pasahod sa mga babae at lalaki.

Ilulunsad ang pinaka-unang event ng AEW sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada sa ika-25 ng Mayo. Dito rin gaganapin ang laban nina Manny Pacquiao at Adrien Broner sa ika-19 ng Enero.

Ilan pa sa kanilang major signings sa indie scene ay sina Joey Janella, "Hangman" Adam Page, Christopher Daniels, Penelope Ford at Britt Baker. 

Tinukoy din bilang producer ng AEW ang dating WWE wrestler na si Billy Gunn.

Kontrobersiya sa Smackdown event

Sumambulat naman sa social media ang diumano'y 'di pagpapapasok sa WWE Smackdown Live event kanina ng mga nakasuot ng AEW merchandise. May palabas din kasi ang Smackdown sa Jacksonville sa araw na ito.

Itinanggi naman ito ng ilan at sinabing nakapasok naman ang ilang fans kahit na nakasuot ng AEW shirt.

Anuman ang tunay na nangyari, kinumpirma naman ng ilang fans na naunang pinaalis na pinapasok silang muli matapos ang insidente.

ALL ELITE WRESTLING

ALL IN

MGM GRAND GARDEN ARENA

PROFESSIONAL WRESTLING

WORLD WRESTLING ENTERTAINMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with