^

PSN Palaro

Lady Red Spikers matatag sa No. 2

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Red Spikers matatag sa No. 2
Nakakuha ng lakas ang Lady Red Spikers kina Viray twins Nieza at Jiezela kasama si skipper Cesca Racraquin para dalhin ang kanilang tropa sa ikaanim na panalo sa pitong laro.
Joey Mendoza

Laro sa Lunes (The Arena)

12nn AU vs EAC (W)

2pm UPHDS vs MU (W)

MANILA, Philippines — Mabilis na pinayuko ng San Beda University ang Colegio de San Juan de Letran, 25-18, 25-14, 25-13 para manatiling nakakapit sa ikalawang puwesto sa NCAA Season 94 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.

Nakakuha ng lakas ang Lady Red Spikers kina Viray twins Nieza at Jiezela kasama si skipper Cesca Racraquin para dalhin ang kanilang tropa sa ikaanim na panalo sa pitong laro.

Umani si Nieza ng 17 puntos kabilang ang 14 attacks samantalang pumalo si Jiezela ng 11 markers. Naramdaman din si Racraquin na umiskor ng siyam na puntos, 11 digs at pitong receptions.

Nanganganib na masibak ang Lady Knights na bumagsak sa 1-6 marka.

Sa unang laro, nanaig ang College of Saint Benilde sa Lyceum of the Philippines, 25-20, 18-25, 25-14, 25-18 para patatagin ang hawak sa No. 3 spot (5-1).

Parehong nagtala ng 14 puntos sina Rachel Austero at Klarisa Abriam habang naglista naman si Marites Pablo ng 12 hits upang pamunuan ang Lady Blazers sa panalo.

Patuloy ang magandang laro ni playmaker Jewel Lai na gumawa ng 35 excellent sets para tulungan ang Benilde na dominahin ang attack line bunsod ng 47-33 edge sa spikes.

Matatalim na aces din ang pinakawalan ng Lady Blazers para sa 9-6 bentahe sa service area samantalang nakakuha rin ito ng walong solidong blocks.

Nanaig ang Benilde sa Lyceum, 25-16, 25-19, 25-23  sa men’s division  habang namayani naman ang Lyceum sa juniors class nang igupo ang Benilde sa bisa ng makapigil-hini­ngang  27-25, 21-25, 20-25, 25-23, 17-15 iskor.

NCAA SEASON 94 WOMEN’S VOLLEYBALL TOURNAMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with