Nietes handa na vs Ioka
MANILA, Philippines — Pareho nilang hangad ang kanilang ikaapat na world boxing crown.
Ngunit mas ninenerbiyos si Japanese star Kazuto Ioka sa pagsagupa kay Donnie 'Ahas' Nietes para sa bakanteng World Boxing Organization super flyweight belt ngayon sa Wynn Palace sa Cotai Arena sa Macau, China.
“I understand more than enough that Donnie Nietes is a dangerous opponent who posseses excellent technique with defense, who knows how to punch without being hit,” wika ni Ioka kay Nietes.
Bitbit ng 36-anyos na si Nietes ang 41-1-5 win-loss-draw ring record kasama ang 23 knockouts samantalang taglay naman ng 29-anyos na si Ioka ang 23-1-0 (13 KOs) slate.
Hindi pa natatalo ang tubong Murica, Negros Occidental na si Nietes simula noong 2004.
At nangako siyang gagawin ang lahat para makamit ang WBA super flyweight belt laban kay Ioka.
“Wala nang atrasan ito. Talagang ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko para manalo,” sabi ni Nietes, binitawan ang dating suot na International boxing Federation flyweight title para kumampanya sa super flyweight division.
Aminado naman si Ioka, isa ring world three-division champion kagaya ni Nietes, na mahihirapan siyang labanan ang Pinoy pride.
“For me, it will be a very difficult and uncomfortable fight, but I have faith in gaining the victory with my kind of fight by boxing clever, with a clever strategy and making adjustments as the contest plays out,” wika ni Ioka.
Nanggaling si Nietes sa isang draw sa kanilang bakbakan ng kababayang si 'Mighty' Aston Palicte para sa bakanteng WBO super flyweight crown sa The Forum sa Los Angeles, California.
- Latest